PABRIKA

KABANATA 2. TRABAHO

Nonita Mole

2/26/20232 min read

Sa wakas sa isang PABRIKA , pagawaan ng cake / gourmet , ay natawagan siya para Sa interview. Dalawa ang job opening, LAB- QA at production worker. Lab - QA talaga ang apply nya sana pero tinawagan sya para sa position na production worker. Sa interview, binanggit sa kanya na kapag naging maganda ang performance niya , pede naman siyang malipat ng ibang department.

Sa PABRIKA, natanggap naman siya at sa kanyang ikalawang buwan sa Canada, sa wakas ay magsisimula na rin sya ng full time work bilang production worker. Ayos na rin ang Sweldo , 12$/hr. Mataas ng kaunti sa basic na 11.65$/hr.

Sa PLANTA.

Binigyan siya ng lab gown , hairnet , ear plug at itinuro sa kanya ang kanyang locker. Required din ang steel toed shoes na binili siya sa walmart. Pede raw irefund Kapag nagular na siya.

Matapos ang orientation ay ipinakilala na siya sa kanyang line leader na magiging trainor niya.... kapwa Pinay din.... si Ofelia. Hitsurang nasa mid 50s. Mataas Lang ng konti sa kanya . Matapang ang mukha. Malakas ang boses. Mukhang mataray . Twenty five years na raw sa pabrika kaya astig na kumilos. Fluent sa Tagalog at trying hard mag-Ingles.

Unang araw pa lamang niya ay pinag-sabihan na siya ni ofelia na bilisan ang kilos, “Dito, bawal ang mabagal! Hindi pede ang pa-Girl. Hindi rin mahalaga kung ano natapos mo sa Pinas. Dito , production worker ka kaya dapat mabilis ka!”

Pala-ngiti si Carmela pero parang Kapag kaharap niya si Ofelia, Hindi siya makangiti.

Iba ang hitsura ng opisina sa mismong pagawaan. Maingay ang pagawaan at Amoy na Amoy ang mga ingredients ng cake. Halo-halo ang lahi ng mga workers. May puti , pinoy , intsik , Indian at itim . Minsan , mas naramdaman pa niya ang pag welcome sa kanya ng ibang lahi kaysa ng kapwa niya Pilipino. Stand-out ang hitsura ni Carmela. Maganda ang itim na buhok, makinis, smart-looking at maganda ang hubog ng katawan.

Nilagay siya ni Ofelia sa mag-lalagay ng icing sa cake. Kailangan ay mabilis otherwise, titigil sa kanya or matatambakan siya Sa assembly. Sa unang oras ay okay naman siya Subalit sa ikalawang oras ay nangalay na ang kayang kamay sa paulit-ulit na ginagawa. Sinigawan siya ni ofelia at inilipat siya sa dulo. Eto ang pag papaleta ng kahon ng cake. Mabilis ang dating ng mga kahon. Sa twing babagal sya ay sisigawan siya ni ofelia.

Sa LUNCH ROOM....nakilala niya Si Nanay Maring. Isa siya sa pinakamatagal at pinakamatandang production worker na pinoy. Mabait at approachable si Nanay Maring. Tinabihan siya Sa cafeteria. Isang drumstick at rice ang baon ni Carmela. Gulay naman at Issa ang Dala ni Nanay Maring.

“Sa una lang yan mahirap, pag nakapasa ka na Sa probationary period, okay ka na. Ganyan Lang si ofelia, ganyan sya sa lahat ng bago!” Payo ni Nanay Maring sa kanya.

Ngiti Lang ang sinagot ni Carmela . Mahaba naman ang pasensya nya . Kaya niyang tiisin si ofelia.

Sa ikatlong araw, bumisita sa linya ang production supervisor na si Bradley.... gwapong Canadian na nasa late 30s. Binata.

Hey , how ‘s going?!” Tanong ni Bradley kay ofelia.

Good sir! Good!” Sagot ni Ofelia.

“How you doing?” Tanong niya kay Carmela.

Natulala si Carmela sa tanong. Hindi niya ineexpect na tanungin sya ng supervisor.

Inulit ulit ang Tanong , “How u doing?”

I’m good!” Mahina niyang sagot.

Habang papalayo ang supervisor. Nag parinig sa kanya si Ofelia, “Huwag ilusyunada , hmmmp!”

Related Stories