PABRIKA

KABANATA 4. SI BRADLEY

Nonita Mole

2/26/20237 min read

focused photo of a snow flake
focused photo of a snow flake

OKTUBRE. Nanlalagas na ang mga dahon. Mas lumalamig at kadalasan ay nag kakaroon ng flurries or snow .

Pinag Overtime sya ng dalawang oras. Malamig at kahit ala singko palang ay madilim na sa labas. Hindi pa mandin makapal ang kanyang suot na jacket. Nalimutan pa niyang mag gloves. Namiss niya ang unang bus kaya need niyang mag antay ng May 20 minutes ulit. Pag ganito ang panahon, madalas late ang bus. Bumagsak na ang snow.

Sa May bus stop. May Pulang sasakyan ang huminto. Binuksan ang bintana at kumaway sa kanya.

Si BRADLEY.

Sino siya para tumanggi sa yaya ng kanyang boses? Besides. , malamig na. Nanginginig na ang kanyang mga kamay at paa sa lamig.

Sumakay siya ng kotse.

Nanginginig pa si Carmela sa lamig.

Thank you sir!”

“Your welcome Carmela, just call me Bradley!”

Oo nga naman, sa Canada hindi uso ang sir or mam.

“Thank you , Bradley!” Nakangiti nyang wika.

Ngumiti rin Si Bradley.

Tahimik sa loob ng sasakyan. Parang Hindi makapaniwala si Carmela na Sa mga sandaling ito kasama nya si Bradley.

How u doing?!”

Nabasag ang katahimikan .

Good, I’m good!” Ang typical na Sagot nya.

Watched any football lately?” Tanong ni Bradley.

Lalong natameme si Carmela. Wala syang alam sa football. Or baseball or soccer. Lalo na siguro kung sa hockey.

No, I don’t watch football!” Sagot niya.

Tumango lang Si Bradley.

How you think of the weather here?”

It’s cold!“

I could understand that, especially you coming from a tropical country! Hope you won’t regret coming in Winnipeg especially when winter comes!”

Hindi naman Po siguro!” At na Kapag Tagalog siya. Napatingin sa kanya si bradley. Saka niya naalalang hindi nga pala eto nakakaintindi ng Tagalog.

Sorry... what I mean is , I don’t think I will regret coming in here!”

Tagalog is actually a nice language. I’ve been working with a lot of Filipinos here. And I learned some words like.... MAGANDA!”

Napangiti. Napalunok. Kinilig ang dalaga.

MAGANDA . Ang sarap pakingga lalo na pag slang , lalo na pag galing kay Bradley.

Tumigil na ang sasakyan.

Is that your house?”

Yes!”

“You live ung with your family?”

I’m living with my uncle and auntie and nephew. I’m single!” Nasabi nya habang binubuksan ang sasakyan. “thank you, Bradley!

Pag baba saka Lang niya narealize ang sinabi nya ... “I’m single!” Talaga? So what? Relevant ba yun kanina. Tinanong ba ni Bradley?

Hindi nakatulog si carmela ng gabi ng iyon.

Nag chat sila ng kanyang ina sa messenger. Ala-una ng madaling araw ay alas dos ng hapon sa pinas.

Kamusta ang trabaho?” Tanong ng ina.

Ayos naman po. “

“Wag kang mag pakapagod. Ingatan mo ang sarili mo. Wag mo kaming isipin dito sa pinas, okay kami dito. Ikaw ang laging mag-Ingat dyan!”

Thanks nay, pero Ayos naman ako . 12$ per hour so parang 480 php per oras ko! Saka madali Lang ginagawa ko, nag lalagay Lang ng icing,” Sabay tawa ni Carmela.

Tumawa din ang ina, “Sawa ka na sa cake diyan?”

Opo naman , thrice a week mag libre ng cake kami sa canteen,” nakangiting tugon niya.

“Bakit gising ka pa?”

Napa isip si Carmela . At dahil open naman siya sa nanay niya, ni kwento nya ang nakakakilig na tagpo nila ng kanyang crush na si Bradley.

Sa CAFETERIA.

Habang nagkakape mag-isa Si Carmela. Umupo sa tabi niya Si Bradley .

Hi! How is it going?”

Saulo na niya ang ganito ng linya ng mga Canadian at natural ang isasaogot Lang niya ay , “Good, I’m good!”  with a smile.

Didn’t get much sleep last night, I have to take a dark roast coffee!” wika ni Bradley.

Ang lolo ni Carmela sa Batangas ay may maliit na coffee farm kaya alam niya kung paano ni roroast ang kape. Sumgot siya kay Bradley, “If you want more caffeine to keep you awake , you should take the light roast coffee. More caffeine was evaporated during the dark roast process rather than light roast?”

Wow, nice to know? Is the Chemistry related?”

“Just a knowledge I learned from my grandfather in batangas, who used to roast coffee beans!”

“That’ s interesting, maybe I want to learn more from you then.....”

At nagkatinginan ang dalawa.... “ about the coffee, sir... I mean Bradley !”

“ yes , about the coffee !”

Pag labas ng cafeteria , nakatingin sa kanya si Ofelia , “ilusyunada!”

Diretso lang siya sa worplace area niya. Nakakainis man etong si Ofelia, kailangan pa rin niyang ifalang dahil ito ay nakatatanda at line leader nila. Besides, ayaw niya ng gulo habang proby pa siya.

Mas dumalas ang pag bisita ni Bradley sa linya. Napansin din naman ng mga co-workers nila ang kakaibang pag kagiliw ng binata kay Carmela. Sa totoo lang, nakakaramdam din naman si Carmela ng kakaiba pero ayaw niyang umasa. Ayaw niyang maging , “Ilusyunada!

Isang beses ay tinykso siya ng mga kapwa dalaga Sa PABRIKA, “Anong masaya, dalaga ka , binata siya!”

Ngiti lang ang sagot ni Carmela.

At maganda ka sa totoo lang, lalo na Kapag wala kang hairnet at hindi ka na ka lab gown! Bagay kaya kayo !” tukso ng isa.

Sa dami naman ng magagandang Canadian, eh bakit ako pag tutu unang nya ng pansin?“ sagot niya.

Eh bakit naman hindi? Malay mo May nakita sa iyong kakaiba!” Tukso ng isa pa.

Ayaw mang umasa. Gusto pa ring maniwala ni Carmela sa isang HIMALA!

DEBUT ng anak ni Ofelia. Iba ang pinoy mag handa ng debut sa canada. Grande. Invited ang lahat sa line at syempre pati ang mga supervisors. Formal attire.

Sa Canada Inn. Dito madalas mag celebrate ng handaan ang mga Pilipino. First time ni Carmela umattend ng ganito ng celebration. Formal attire. Nakablack dress sya. Kitang Kita ang magandang hubog ng kanyang katawan. Ni lagyan nya ng konti ng curl ang straight na buhok. Maganda. Stand out ang beauty niya kahit sa mga puti.

Dalawang table ang company nila. Magkatabi sila ni Nanay Maring sa isangvfable na May 10 silya.

Dumating Si Bradley. Nakalong sleeves na May tie. Wow! Ang gwapo!

Sure, sir!” Sagot ni ofelia, Sabay taas ng kilay kay Carmela.

Lumapit Si Bradley kay Carmela, “Hi!”

Hi!” Nakangiting sagot ng dalaga .

You look great! You’re stunning !”

“Thanks , you also look great!”

Masarap ang sinerved na pag kain. Maganda rin ang Program ng debut. 

Pero ang pinaka maganda para kay Carmela ay ang makasama ngayon si Bradley.

Any drinks?”

Alam ni Carmela na may bayad and drinks , “ I....”

It’s on me, just tell me I’ll bring it to you!”

Caesar is fine!”

“You got it!”

Tumugtog ang love song. AMAZED. Nagsimula ng tumayo At sumayaw ang mga couple. 

Tumungun Si Bradley kay Carmela. Iniabot ang kamay , “Would you like to dance with me?”

Feeling JS Prom si Carmela. Uo naman. Sigaw ng puso niya.

Inabot ni Carmela ang kamay niya kay Bradley, “Yes!”

Eto na ata ang pinaka masayang araw sa buhay ni Carmela sa Canada.

Sa konting pag uusap nila ni Bradley. Nalaman niyang lumaki Si Bradley sa ama. Bata pa lang ay nagdivorce na ang kanyang magulang. May iba raw lalaki ang kanyang ina. Wala siyang kapatid. Mabait ang kanyang ama at hindi na muling nag-asawa pa. Ang gusto lang ni Bradley ay simple. Isang pamilya ng buo At masaya. Isa lang ang naging girl friend niya nya ng College. Nainlove ang babae sa kaibigan mismo ni Bradley kaya masyado siyang nasaktan. Pakiramdam niya ay marami sa mga babae ang cheater pero naniniwala pa rin siyang meron din namang iba na totoo at tapat.

Inihatid ni Bradley si Carmela sa bahay.

Parang sa movie na pag May nag goodnight May kiss, pero hindi ito na gawa ni Carmela At Bradley. Ngiti lang at bye bye. Kaya natulog si Carmela na bitin.

Sa PABRIKA. Usap-usapan sina bradley at carmela ng mga kapwa pinoy. At siyempre , mas maraming inggit kaysa pabor. Tsismis dito at tsismis duon. Hindi pinapatulan ni Carmela ang mga ganito lalo at nasa Proby stage palang siya. 

Isang card ang nakita ni Carmela sa kanyang personal locker.

Invitation para sa 70th bday ng father ni Bradley. “It will just be a small family event. I just want you to come if that is okay with you ?!”

Syempre OO. Pero syempre, pressured din siya kung ano susuot at kung ano ang dadalhin gift. 

Lumpiya at Pancit ang sinuggest sa kanyang dalhin ng mga kasama sa trabaho. Ginawa siya ng lumpiya At umorder na lamang ng pancit. Long sleeves at tight pants, boots at winter coat dahil malamig na ang suot niya.

Sa isang exclusive subdivision sa Winnipeg nakatira sina Bradley. Malalaki ang bahay. 

Tumigil sila sa isang bahay na bi-level At May double garage.

Hinawakan siya sa kamay ni Bradley, “you’ll be fine. You look awesome!”

Konakabahan si Carmela. Hindi niya alam kung ano ang haharapin niya.

Bumukas ang pinto. Malaki ang living room. Makinis. May asong sumalubong sa kanya. Isang Border Collie. Hindi Dog-person si Carmela. Actually, takot siya dito. Hinimas ni Bradley ang aso.

She’s Carmella. He is Rocky, the baby in our house!”

Lumapit si Rocky kay Carmela. Parang nag Iintay na I-Pet nya. Hinimas dinnniya ang ulo ng aso. Mabait naman pala. Nawala ang takot niya.

Maya maya pa ay May Lina aso na lalaki sa wheel-chair. Eto ang ama ni Bradley. 

Nastroke ang ama ni Bradley kaya paralyzed ang right Part of his body.

"Carmella , meet my Dad, Bill!”

Iniabot ni Carmella ang kamay sa ama.

Nice meeting you Po Sir!”

“Dad, this is carmela!”

“ she’s lovely. It’s my pleasure!” Sagot ni Bill. 

“ she brought us some lumpiya and pancit!”

“ you know out favourites, come let’s go to the dining and eat!”

Sa Dining . Mag dalawang elders na mag-asawa.

Hi , I’m Beverly , Bill’ s you get sister ! And this is my husband Clark ! You must be .... Bradley’s girlfriend!”

Ngiti lang ang sinagot ni Carmela. Habang shinake hands ang dalawa.

Umupo na sila sa dining. Sila Lang pala talagang Lima.

Nag tatawanan at nagkekwentuhan, habang kumakain. Mabilis silang mag ingles at slang. Minsan, Hindi maintindihan ni Carmela kahit maalam naman siyang mag ingles.

Napakabait ng mga pamilya ni Bradley. Nothing really was personal in the discussion. They talked about the weather. Movies. Sports. A little bit of politics . And a little bit of their life.

Matapos kumain. Dinala ni Bradley si carmela sa basement. Ipinakita niya ang mga Larawang nakapost sa wall. Mahilig palang mag travel si Bradley. Kadalasan mga nature ang pinupuntahan niya. May picture siya Sa New Zealand, Africa, some asean countries like Indonesia and Thailand.

You haven’t been to the Philippines?

I haven’t but I would love to... if you will go with me?

Ngiti. Gustong Itanong ni Carmela, ”Are you hitting on me?!” Hindi na sila teen agers. Pero ano nga ba ang Tama ng paraan , tamang lugar, tamang oras......

I don’t know if I’m coming to you too slow, or too fast. I don’t even know if there’s a proper way, a proper time, a proper place!” Wika ng binata.

Parang nahuhulaan ni Bradley ang nasa isip ni Carmela. Parang alam na ni Carmela ang kasunod Nito ......

Can we make it official?

Oh my ! Official as in mag- ON!

YES!” Nakangiti At walang pag-aalinlangang sagot ni Carmela.

Nag katinginan ang dalawa... Parang movie na mag hahalikan pero hindi nangyari yun dahil tinawag sila ng dad ni Bradley.

Related Stories