PABRIKA

KABANATA 5. TAGUMPAY

Nonita Mole

2/26/20231 min read

black heart drawn on notebook
black heart drawn on notebook

Marami pang sumunod na mga nakakakilig na araw. Maraming magagandang nangyari. Naregular siya sa trabaho . Nag bago na ang pakikitungo sa kanya ni Ofelia. Naging mabait na eto sa kanya. Tandaan, sa PABRIKA , napakaraming gaya ni Ofelia. Minsan , mas masahol pa. Minsan , mas okay pa na hindi patulan ang mga gaya nyang animoy may galit sa mundo . Kadalasan sa mga taong gaya ni ofelia ay hindi nag-tatagumpay at hindi tunay na maligaya.

Lumipat na sila ni Jasmine ng apartment. Kumuha ng health care aide certificate si Jasmine . Mas malaki ang sweldo at medyo related sa pagiging nurse niya sa Pilipinas. Kumuha ng online courses si carmela na related sa quality management at nakapasok siya bilang Lab-QA nang mag kaopening sa kanilang laboratory sa Pabrika.

At syempre , patuloy pa rin ang KILIG moments nila ni Bradley. Ganuon pala talaga! Sa una mahirap . Tiis, Tiyaga at Mahabang pasensya ang kailangan. At ang PARAISONG hinahap mo Sa Canada , Hindi mo makikita in an INSTANT.

“You have to work for it , and you have to find and build your own paradise !”

Related Stories