PABRIKA

KABANATA 3. TAG-LAGAS

Nonita Mole

2/26/20233 min read

tilt shift photography of maple leaves
tilt shift photography of maple leaves

SETYEMBRE. Fall. Nag sisimula ng lumabig . Halos mag iisang buwan na sya sa trabaho. Mahirap. Halos araw araw ay masasakit ang kanyang katawan.

Sa Bus stop,isang kotse ang bumusina sa tapat niya. Tinigilan siya at niyayang sumakay. Siya si Willy , fork lift operator sa kanilang kompanya. Nasa early 40s.

Dapat mag-aral ka ng magdrive. Malapit ng magwinter. Mahirap mag bus lagi!” wika Nito kay Carmela habang nasa kotse.

“One at a time muna Kuya! After siguro maregular ako!”

Dumaan sila sa tim Hortons drive thru.

Coffee?” alok ni Willy.

“No thanks!”

Sa May Mcphillips ka pala, carpool na Kita? Mahirap mag bus pag malamig at masnow na!”

Thanks na lang kuya. Okay pa naman ako mag bus!” Sagot ni Carmela. Sa totoo lang Hindi siya comfortable kay Willy. Iba etong makatingin. Pamilyado na etong tao pero kung umasta sa planta ay parang binata. Feeling gwapo pa.

WEEKEND. Nagkita sila ni Jasmine. Nakakuha siya ng trabaho sa meat packaging. Nurse si Jasmine sa pinas pero need na rin niya ng work kaya kahit ano okay lang.

Food court sa Polo Park kumain ang dalawang mag kaibigan. Napansin ni Carmela na sugat sugars at super dry nag kamay ni Jasmine.

Minus 5 degrees ang working area ko. Malamig pa sa freezer. Tiis talaga , tapos ang hirap pag iihi ka kase naka astraounot suit ka. Madalas pinipigil ko pag-Ihi! Kaya sa tingin ko mas okay pa ang working area mo dyan sa pabrika ng cake! Akala ko ba lab-QA ang apply mo dyan?”

Sa production worker ako nilagay eh. Need ko raw I upgrade ang education ko kase dapat daw May Canadian education ako sa lab or quality!” Sagot ni Carmela.

Hay naku, minsan nga nakaka frustrate. Skilled workers and professionals ang apply natin sa MPNP pero pag dating pala dito back to zero. Either Sasabihin nila mag-aaral ulit , mag upgrade or kumuha muna ng work experience bago makapasok sa field natin. Tapos Minsan , ung mga kamag-anak natin Sa Pinas , ang tingin sa atin , madaming pera. Kung alam Lang nila! Basic lang ang sweldo ko kaya baka mag hahanap pa ako uli ng isa Pang trabaho.“ malungkot na salaysay ni Jasmine .

May sinusuportahan ka ba sa Pinas?”

Nanay ko Lang naman ang pinadadalhan ko. Mga maintennace ng medications nya para Sa diabetics,” Sagot ni Jasmine. “Pag established na ako , dadalhin ko sya dito sa Canada bilang parents’ sponsorship! Sobrang namimiss ko si Nanay!” May halong libangan wika ni Jasmine.

Tahimik Lang si carmela. Sa totoo lang namimiss din niya ang kanyang pamilya sa pinas. Binago ang topic.

Okay ka na ba sa tinitirhan mo?

Sa totoo lang Carmela, gusto ko ng lumipat . Hindi kase kami okay ng hipag ko. Napakasungit. At saka ang yabang. Akala mo Kung sino. Kung Di dahil Sa kapatid ko , Wala siya rito. Mabait lang siya pag kaharap si Kuya. Pag wala si Kuya, lumalabas ang tunay na kulay . Nagtitiis Lang ako pero pag maka ipon, bubukod na ako! Ikaw kamusta naman tinitirhan mo?”

Sa totoo lang bihira ko na sila makita. After work, diretso na ako sa basement . Gusto ko na ring lumipat, para Lang mas makakilos ng okay. Kapag naka ipon tayo, mag boarding house tayong dalawa. Share tayo sa bayad!”

Deal! “ sang ayon ni Jasmine.

Mag dadalawang buwan na si Carmela Sa PABRIKA. Nagiging mabilis at pamilyar na siya Sa mga gawain.... maglagay ng icing, mag pack cake sa kahon, magagawa ng kahon at mag paleta. Pero, hindi pa rin sila okay ni Ofelia. Mataray pa rin sa kanya.

Madalas dumaan sa kanilang linya si Bradley. Madalas siyang sabihan ng, “Good job!” Nakakilig ang boses , ngiti at tingin ni Bradley. Mukha etong Hollywood actor. Ibang iba sa typical na Caucasians.

Sa twing ngingiti si carmela , malakas na sasabhin ni Ofelia, “ILUSYUNADA!”

Crush ata ng lahat ng babae sa planta si Bradley. Feeling ni Carmela,isang himala ang pansinin siya nito.

Related Stories