PABRIKA
KABANATA 1. PARAISO
Nonita Mole
2/26/20234 min read
Maraming nagsasabing gusto Kong mag-Canada. Tingin ng marami ay Paraiso ito. Parang lahat gagawin , makarating Lang dito. Parang pag nasa Pilipinas ka , ang gusto mong gawin ay mag ipon, mag-aral tapos mag-aral uli, kumuha ng experiences , maging bihasa Sa ingles. Pag-ayos na lahat , mag-aapply na mag-Canada.
Bakit ? Para Sa future ... maganda ang health benefits , libre pag ka nagkasakit, free education ng mga bata till high school at May allowance pa.....tapos , makakita ka ng SNOW and for the first time in your life , mararanasan mo ang White Christmas. At madadala mo ang pamilya mo na naiwan sa Pilipinas.
Pero pag nasa Canada ka na pala, iba na ang tingin mo . Hindi pala Paraiso ang Canada.... Hindi rin pag narun ka na , lahat ng pangarap mo instant na matutupad na . IKAW din ang magbubuo ng Paraiso mo. IKAW din ang kikilos para magkatotoo ang pangarap mo.
Siya si Carmela. Trenta anyos, dalaga at graduate ng Chemistry sa Pinas. Dating Chemist sa isang laboratory sa Pinas.
May isa pa siyang nakababatang kapatid na babae na nag aaral pa sa kolehiyo....si Carmina. Ang kanyang ama ay secretary sa munisipyo. Ang kanyang ina naman ay dating teacher.
Nakarating sya sa Winnipeg bilang Manitoba Provincial Nominee. Eto Yung paraan ng mga skilled workers sa Pinas na makarating sa Canada by point system. Pero importante na May kamag anak or kaibigan na tinatawag na supporter or guarantor ng application mo. Importante rin na May 10,000 CAD or at least 400,000 php bilang settlement fund or ang tinatawag na SHOW MONEY. Required din ang IELTS dahil ito ang basehan Nila kung gaano ang antas ng kaalaman mo sa universal language na English .
Kinuha siya ng panganay na kapatid na lalaki ng tatay niya, si Tito Romeo. Retired sa edad na 65, kasama ang kanyang asawa na si Lolita , 59 at nag tatrabaho bilang Cashier sa isang grocery store. Sila ay May tatlong anak na May mga sariling bahay na sa ibang probinsya ng Canada. Kasama nila ang apong lalaki na Si Miko, na May edad na 9 , anak sa unang asawa ng bunsong anak ng kanyang Tito. Ang pag-aalaga ng apo ang libangan ng kanyang Tito.
Simple lang ang bahay ng kanyang Tito Romeo. Bungalow na May dalawang kwarto sa Main floor at isang kwarto sa basement. Sa Pilipinas, ang tingin nila ay si Tito Romeo ang pinakamayaman nilang kamag-anak . Pero dito sa Canada , isa sa pinakamaliit ang kanilang tinitirhan at kinakailangan pa ring mag part time ng kanyang Tito sa “Cleaning” para May additional income silang mag-asawa, lalo’t mahilig silang magtravel sa USA at Pilipinas.
Hunyo ng siya ay dumating sa Canada. Maganda ang panahon. Summer ! Maliwanag pa hanggang alas 10 ng Gabi . Mainit pero hindi kasing init sa Pinas. Mga 20-30 degrees Celsius ang temperature.
Alas-dose ng bathing gabi ang dating nya ng Winnipeg. Masaya ang salubong ng kanyang Tito at Tita sa airport. Ibang iba ang simoy ng hangin. Hindi polluted.
Nilibot niya ang kanyang paningin. Ang Ganda ng Winnipeg ! Parang hindi sya makapaniwalang narito na sya. Hindi nya maexplain ang kanyang kaligayahan . Alam nyang mamimiss niya ang kanyang pamilya , pero ang makarating dito ang gusto nya. Dito nya bubuuin ang kanyang pangarap. At balang araw, Hindi imposibleng madala nya ang kanyang pamilya.
Narito na sya. Paninindigan nya!
Halos 15 minutes lang na drive ang layo ng titirhan nya sa airport. Walang traffic.
Sa basement sya mag stay . Maayos naman ang isang room na May maliit na kamang sakto sa kanya. Wala nga Lang bintana pero ayos na rin para Sa nag sisimula at nakikitira.
Una syang dinala ng kanyang Tito sa ENTRY PROGRAM para Sa mga newcomers. Dito kung Saan sila tuturuan ng mga basics about Canada at mga tips and guidelines para Sa mga nagsisimula.
Dito nya nakikilala si Jasmine, kasing idad at single din gaya nya. Parehas silang laking Laguna, kaya naman mabilis silang nagclick ni Jasmine.
Ang Main objective ni Carmela ay makahanap ng trabaho. 2,000 $ lang ang kanyang pocket money at hindi niya alam kung hanggang saan eto aabutin . Alam niyang maliit lang ang value Nito dito dahil dollar din ang gastos nya sa araw araw. Wala man siyang obligasyong pinansiyal sa pamilya sa pinas, gusto pa rin niyang magbigay at magpadala lalo na sa nakababatang kapatid.
Araw-araw ay nag papadala siya ng resume sa iba’t ibang kompanya. Kahit anong trabaho ay ina applyan niya. Importante kase ang magka work experience bago makapasok sa gusto niyang trabaho .
Mahigit na limampung industries ang kanyang inaplayan pero dalawa Lang ang mag reply . Nainterview siya sa 7/11 at shoppers drugstore bilang cashier pero hindi siya natanggap.
Mag isang buwan na pero Wala pa rin siyang trabaho. Nakikita niyang hindi na natutuwa sa kanya ang kanyang Tita. Madalas na nakasimangot pag darating Sa bahay at hindi na rin siya inaalok kumain . Pakiramdam niya ay naging pabigat na sya sa bahay kaya naisipan nyang mag abot na kahit 200$ para man lang share sa bahay. Sa hiya rin niya ,madalas na lamang syang nagkukulong sa kwarto sa basement.
Sa araw-araw na gastos , halos 1,000 $ na lang natitira sa kanyang pocket money.
Inalok siya ng kanyang Tito na sumama sa cleanjng habang wala pang trabaho. First time niyang maglilinis pero alam niyang kinakailangang gawin. 11$ per hour, sa apat na oras ay may 44$ siya. Ayos na rin habang Wala pang trabaho .
Naka limang araw din siya sa paglilinis. Mga opisina ang nililinis nila kaya hindi naman gaano madumi. Washroom or toilet lang ang pinakamahirap linisin lalo na at Kapag barado and inidoro.